top of page
Search
mags4davao

Untitled

Pinalad na makasama sa mga pinarangalan ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU na dating OPAPP) sa kanilang Peace Partners’ Recognition Day 2022 kahapon.



Hindi man nakapunta sa PICC ay sumali pa rin via VTC bilang pagkilala at pagpapasalamat sa lahat ng mga nakasalamuha at nakatrabaho sa larangan ng kapayapaan at paglutas ng hidwaan. At espesyal na paggalang sa mga taga-OPAPP/OPAPRU na matagal-tagal ko na ring nakasama sa mga larangan ng conflict sensitivity, peace promotion, at transitional justice.



Ngayon at sa darating pang mga araw, panghawakan natin na ang kapayapaan ay hindi ang katahimikan ng mga pinatay at pinatahimik (ang tinaguriang pax Romana).


Ang mga pinakamahusay at pangmatagalang pamamaraan pa rin ay hanapin at tugunan ang mga kadahilanan ng kaguluhan (presenting problems, triggers, at root causes), gawing mas matibay ang mga institusyon ng ating lipunan (mapa-pulitika, ekonomiya, o pangkultura man), palakasin ang ating kakayahang magtunggali nang hindi humahantong at gumagamit ng karahasan, at mas palawakin pa ang bilang ng mga nagmamahal at kumikilos para sa kapayapaan.


Oo mahigit tatlong dekada na akong tumataya para sa kapayapaan. At kagaya ng marami sa atin, handang tumaya muli at muli at magpatuloy.

5 views0 comments

Comments


Post: Blog2_Post
bottom of page